I’d do anything.
Effort yung sakayan ng erfleyn? Hindi, yan daw ang isa sa pinaka kailangan nang isang lalake para mapasagot ang isang babae. Tama nga naman. Ano pa nga ba ang gagawin mo kung yung manliligaw mo ‘di naman nag papakita ng effort? Paano pa kaya pag kayo na? Eh ‘di ang boring. Yung babae pa yung gagalaw at mag e-effort para sa lalaki.
Ako? Kaya ko mag effort para sa isang bagay na gusto ko talaga. Pero syempre ang pag e-effort ko may limit. Lalo na pag hindi naman napapansin. Ang kalaban daw ng lalakeng todo effort ay ang mga lalakeng napaka gwapo. Tama nga naman. Kasi yang mga gwapong yan ngumiti at mag ayos lang yan ng buhok, nagsisitilian na agad ang mga babae. Eh ang mga hindi masyadong gwapo?
Kailangan pa ng pera para makabili ng mga rosas, makabili ng chocolates at stuffed toys. Kailangan ka pa nila ihatid sa sakayan o ‘di kaya pauwi. Sila yung mga todo effort mag text sa’yo para lang i-check kung okay ka. Pero ano? Panalo pa din ang gwapo. Sa simpleng pag kindat lang tilian agad. ‘Di nila napapansin yung todo effort para mapasaya sila kahit nag mumukha nang tanga.
