Home Ask Thoughts Personal Corny One liners Pick up lines For HER Short Stories THEME

Sulat ng isang basted.

“Hello. Kamusta ka na? Naalala mo pa ba ‘ko? Hula ko hindi na. ‘Di bale hindi naman importante yun e. Sana ok ka lang. Sana masaya ka. Lagi mong tandaan na nandito ako ah? Naghihintay ng pagkakataon para mapatunayan sa’yo na mahal kita.

Alam mo ba na na-miss kita simula nung nagpasya ka na lumayo? Nagpasya kang iwan ako. Sabi mo para ‘to sa ikabubuti ko. Para hindi na ‘ko umasa. Para hindi na ‘ko magpakatanga. Pero walang nagbago e. Nasa isip pa rin kita at wala na yatang pag-asang matanggal pa.

Alam mo ba na mahal na mahal kita? Alam mo rin ba na kaya kong gawin lahat para sa’yo? Basta mahalin mo lang ako. Pero pwede na ‘to. Handa naman ako maghintay e. Basta para sa’yo.”

  1. misteervinn reblogged this from matabangsalamin
  2. matabangsalamin reblogged this from kalahatingtorpe
  3. kalahatingtorpe posted this