Day 51: Describe your future wedding.
Beach wedding or church wedding o kung saan man gusto nung bride ko basta makasal! Hahaha. Masaya ang lahat walang sama ng loob ang mga tao. Agree na agree sila na kami ang ikasal. Makikita kong bukal sa loob ng tatay ng bride ko ang pagbigay ng kamay ng anak niya sakin. Ikakasal kami ng kinakabahan at ‘di matanggal ang ngiti sa mga labi namin. Nakasuot siya ng magandang gown at ako naman ay naka barong tagalog o tuxedo. May mga naiiyak pero “tears of joy.” Pagkatapos ng kasal ay magsasaya sa reception at sabay iisipin ko na “Ikinasal na ko sa babaeng pinakamamahal ko. Napaka swerte ko.” Pagkatapos nun ay kakain na ang lahat! Hahaha. Rated PG na ang pagkatapos ng reception. Mehehe~
