Sulat ng nalaglag sa maling tao.
“Sana ‘di na lang kita nakilala. Ayos lang naman kahit wala ka eh. Hindi tulad ngayon. Pinapahirapan mo lang ako. Alam ko naman na hindi mo sinasadyang makilala ako. Ako rin eh, hindi ko naman sinasadya na mahalin ka, nangyari na lang yun ng biglaan.
Sorry kung hindi ako yung gusto mo. Sorry kung nasira ko ang pagkakaibigan natin dahil sa katangahan ko. Marahil pagkatapos nito’y lalayo ka. Pero sana bago mo gawin yun bigyan mo ko ng pagkakataon na patunayan ang sarili ko sa’yo. Pagkatapos nun saka ka mag desisyon. Kung itong pag-ibig kong ito’y magiging totoo o mananatiling isang imahinasyon. Muli, sorry dahil minahal kita. Sana bigyan mo ko ng pagkakataon.”
TAGGED AS: kevspeaks baka isipin niyo relevant sakin hindi ah =)) utaksabawmode
